maygustongbalikan:

May mga pinoproblema kaming mga babae na kahit kaylan hindi nyo maiintindihan, kasi nga lalake kayo. May mga bagay na wala lang sa inyo, pero ito pa yung bagay na malaki ang parte para sa amin. Mga bagay na maliit lang pero big deal sa amin. May mga pagkakataong hindi na lang kami magsasalita, hindi namin kayo kikibuin, hindi na kami magpapaliwanag, kasi kahit anong gawin namin alam naming hindi nyo parin kami maiintindihan.
Bakit hindi nyo kami maintindihan na kapag tumitingin kayo sa ibang babae, nasasaktan agad kami. Oo nagseselos kami, gusto rin naming malaman nyo na kahit tumingin lang kami masakit yun. Dahil kaming mga babae gusto namin, kami lang, kami lang titingnan nyo. Kami lang.
Napakadaming “MAS” sa amin, kaya kahit hindi namin inaamin ayaw namin na mahigitan at maagaw kayo sa amin ng “MAS” sa amin. Mas maganda, mas mabait, mas matalino, mas sexy, mas mayaman, mas kilala. At iba pang mas. Sana kahit ganito kami, alam nyo parin yung salitang kontento na kahit anong mangyari, na kahit sinong dumating, sana kami parin.

15 May 2013
“Medyo”

Yung di mo inaasahan na matutunan ka rin niyang mahalin, kahit medyo lang.. HAHAHAHHA. Nakakatuwa lang, sabi nga sa’kin ni bets, na wag na raw akong bibigay, ganito na raw e. Konti na lang daw. HAHAHA. Eh. :”>

8 May 2013

Ubaya Reunion/Cherry’s Birthday

    Oha. Overnight yan oh. galing,pinayagan ako! HAHAHAHA. Kahit sila hindi makapaniwala na nandun ako e, kasi naman, daig ko pa yung 4 yrs. old na bata kapag gumagala. Kala mo naman e, mawawala o kung ano. Napakastrict naman kasi bago ako payagan. :| Ayun, napakasaya ng gabi na yan/ araw. Namiss ko talaga silang lahat. 

   Si Cherryboom, syempre, yung birthday girl, grabe, napaka-rich kid talaga. As in. Imagine. Grabe yung mansion nila. HAHAHA. Napakabait talaga netong kaibigan ko na’to e, biruin mo oh, sa dami-rami ng kaibigan niya, di niya ako nakalimutan na iinvite. :”> Tapos nakakatawa kasi lagi ko siya hinuhug kasi namiss ko talaga siya. Nakita ko pa nga si mamiboom e. Nakatawa agad. HAHA. 

  Si Freshcow at Bespi, namiss ko rin. Grabe. Pagdating nila, sumigaw agad ako sabay hug e.

  Si Jack, isa pa tong namiss ko. Ginawa kong salbabida. Paano kasi palalim yung pool at takot akong lumangoy. Actually, medyo sanay naman akong lumangoy kaso napangungunahan ng takot kaya ayun. Namiss ko tong si Jack. Bumili pa kami nung gummyworm ba yun na may langaw sa loob. HAHAHAHAHA

  Si Chard/ freshmilk. Eto, as usual, kasama ko na naman sa kalokohan at tawanan. HAHAHA. Lakas kasi ng trip namin e. Tawa lang kami nang tawa sa pool. Paano kasi, dinedemonstrate ko sa kanya kung paano umahon sa pool with poise kaso laging fail. HAHAHAHA. Pati kung paano magdive. HAHAHHA. Kala mo naman kung sinong sanay e.

   Si Rika, as usual, maliit pa rin. (uy,nagsalita ang matangkad.) Namiss ko siya. Cute pa rin naman, walang pinagbago except sa pagiging super puti niya. Susmiyo. Nagmumukha akong charcoal kapag katabi ko siya. 

Lahat talaga sila namiss ko. Grabe. Biruin mo ba naman, lagpas isang taon ko silang hindi nakita/ hindi nila ako nakita. HOHO. Sa wakas, nakita ko na rin sila kaso hindi pa rin kami kumpleto e. </3 Sana sa susunod na payagan ako, kumpleto na kami.

Puro pambobola nga natanggap ko nung araw/gabi na yan e. :”> Gumanda raw ako. HAHAHHAHAHAHAHA. Chos.

6 May 2013

Girl in red shirt. :’)

5 May 2013

   Kuhanan ng grades kanina. Tapos ayun, pagtingin ko. Okay. Un na lang reaction ko kasi wala na rin ung hinahabol ko na “laude” dahil sa history nung first sem na ginawa akong 2.25 palibhasa lagi namin nilalayasan kapag late siya. Eh un kasi policy sa’min, 15 mins late ang prof., considered absent na. Ayun. Ngayong second sem. 1.75 lowest ko, bumaba naman ung GWA ko kasi nga nawalan na ako gana mag-aral nung 2nd sem. :|

29 April 2013

Sa takot ma reject ng tao. Hindi niya alam kung kailan ulit siya magmamahal. Kasi naranasan na niya at sobrang nakakatakot at nakakapanghina talaga. Tipong inoffer mo sa kanya eh love. Tapos ayaw niya. Tapos makikita mo yung Irony dahil nakikita mo siyang naghahanap. Pero nung dumating ka sa buhay niya ni reject ka niya. Nakakaloko minsan yun eh. Tipong dumating ka na sa buhay niya para pigilan ang luha at pagdaramdam niya. Pero wala.. Iba ang gusto niya. 

Tapos dahil natakot ka sa rejection. Nag umpisa ka na rin mang reject ng tao. Sa huli tulala kayo lahat eh. Pakers. Bakit mas kumplikado ngayon umibig? Hindi naman ganito dati.

27 April 2013
Ugggggggggggggggh.

       Yung taong walang ginawa kung hindi magcomment sa lahat ng ginagawa at gagawin ko. Alam mo yun? Wala naman kaalam-alam sa mga nangyayari. Nakakarindi na. Yung puro comment. Comment dito, comment doon. Dinaig pa si papa. Kung si papa nga hindi nagrereklamo e at tahimik na lang. Pwede ba???? Ugh. Nakakainis na. :((( Lahat na lang ng ginagawa ko, tingin mo masama. Wala na naman akong ginawang mabuti di ba? Tapos tatanungin ako kung bakit tahimik na lang ko lagi. Susko. Ano pa sasabihin ko? Tapos hindi naman alam, kung anong dahilan. Alam mo yun? Yung hindi naman alam nangyayari sa’kin tapos daig pa yung may alam kapag nagcomment. Huuu. Susko. Sasabog na ako. Hanggang kailan ba ako magtitimpi dito, ayoko kasing magsalita at baka kung ano na masabi ko. Uggggggggggggggggggh. :| Hay nako. Sana dumating na si ate. :(

14 April 2013